Sino si Black Chocolate
`Sino si Black Chocolate`? Yan ang katanungan ngayon dito sa opisina. Isang kahinahinalang TIDI BIR (Teddy Bear) ang sadyang iniwan bilang regalo para sa isang girl na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ng hindi pa nakikilalang admirer.
Sobrang haba na ng email thread at marami nang naging suspect, na hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino nga.
Narito ang ilang ebidensya at pag aaral ng sensya:
Conspiracy Theory:
Ang dalawang nakita sa Surveillance Camera ay naging kasangkapan lamang para malinlang tayong lahat. Ang dalawang nakita sa Surveillance Camera ay pawang mga kasabwat lamang. Ang dalawang nakita sa Surveillance Camera ay pinakiusapan lamang ni Black Chocolate o napilitan lamang para dalhin ang Gift dito sa office dahil sa kagustuhan ni Black Chocolate na itago ang kanyang sarili.
1. Ang dalawang tao na naghatid ng Gift ay malapit na kaibigan ni Black Chocolate na may malaking posibilidad na kapatid na ang turingan sa isa’t isa dahil sa tagal ng pinagsamahan.
2.
Quote:
AY TEKA… ALAM KO MAY GIRLFRIEND C WA EH.. |
3. Hindi gagamitin ni WA ang pangalang “Black Chocolate”. Kadalasan sa pinangyarihan ng Krimen, ang Kriminal ay nag-iiwan ng mga Clue para patuloy s’yang habul-habulin hanggang sya ay matugis.
Ang Clue:
Black Chocolate |
Ang dalawang nakita sa Surveillance Camera ay mga kayumanggi ang kumpleksyon ngunit hindi sila singkulay ng tsokolate lalo pa’t “Black”.
4. Karamihan sa Kriminal, pag tinutugis na sila sumusubaybay lamang sa mga nangyayari sa paligid, nakikibalita, nananahimik, at di gumagawa ng hakbang na maaaring ikahuli nila/nya.
Quote:
WA - IN DENIAL PERO NAGCOMMENT KA - IN DENIAL PERO NAGCOMMENT JC - IN DENIAL PERO NAGCOMMENT Uly - IN DENIAL PERO NAGCOMMENT RR - NO COMMENTS HEARD/ NO REPLIES/ NOT INTERESTED TO JOIN IN THE THREAD. |
5. Si RR, malapit na kaibigan nung nina WA at Lookout mula pa noong College. Si RR, walang GF. Si RR, di hamak na mas “dark” ang kumpleksyon kesa kay WA at sa Lookout. Si RR, na pilit di nakikisali sa usapan kahit alam nating lahat na pag si WA ay nasa “Hot Seat”
Kaya Mr. RR (alias Black Chocolate), umamin ka na! Wag mong hayaang tuluyang isipin ni Karla na ikaw pala’y si Black TYOPElate! Wag kang mag-aaalala at susuportahan ka naming lahat. Di mo ba naisip na mahihirapan si Karla na iuwi ang pagkalaking Teddy Bear na yon? Kung ayaw mo syang samahan o ihatid pauwi, bigyan mo s’ya ng pang-taxi at ipang-abang mo na rin sya ng Toyota Avanza na Taxi para maiuwi nya ang Teddy Bear. Higit sa lahat, magpakalalaki ka na’t magpakilala sa kanya baka imbes na magkagusto pa sya sa yo, eh ma-turn-off lamang… Ayaw kitang pangunahan pero naiinip na kami sa ‘yo! Pakiusap, ok?
Comments